NEWS UPDATES

MAO nananawagan sa mga magsasaka sa bayan ng Kabacan na mag-avail ng mga libreng mga insurances sa kanilang mga sakahan

(Kabacan, North Cotabato/ June 24, 2015) ---Nanawagan ngayon ang MAO sa mga magsasaka sa bayan ng Kabacan na nakapagtanim o magtatanim pa lang na mag-avail ng mga insurances para sa kanilang mga pananim at pati narin sa kanilang alagang hayop.

Ayon kay Agricultural Technologist/Report Officer Tessie Nidoy sa panayam ng DXVL News, kabilang sa mga insurances na ito ay ang  Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA, na pinopundohan ng Department of Budget and Management.


Anya, saklaw umano ng nasabing insurance ang mga pinsalang dulot ng mga peste at mga sakit sa kanilang mga pananim.

Liban pa rito meron ding insurance  para sa Weather Adverse Rice Areas o WARA na pinopundohan naman ng Department of Agriculture para sa mga Flood at Drought Prawn Areas.

Meron rin insurance sa mga magsasakang nag-aalaga ng hayop, kagaya ng baboy, kambing at iba pa.

Kailangan lamang umanong dalhin ng mga ito ang mga credentials ng nasabing hayop na magpapatunay na sila ang may-ari nito.

Inihayag din ng opisyal na lahat umano ng mga insurances na ito mula sa Department of Budget and Management at Department of Agriculture ay libre at walang babayaran.


Sa mga karagdagang impormasyon at gustong maka-avail sa nasabing programa ay tunguhin lamang ang mga Agricultural Extension Workers na naka-assign sa inyong mga barangay o di kaya ay magtungo sa Municipal Agriculturist Office sa Kabacan Municipal Compound at dalhin ang photocopy ng inyong isang valid ID. Mark Anthony Pispis

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento