NEWS UPDATES

Magsasaka, patay sa saksak

(Magpet, North Cotabato/ June 3, 2015) ---Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang magsasaka ng mismong kainuman nito sa Barangay Balite, Magpet, North Cotabato alas 9:00 ng umaga kamakalawa.

Kinilala ni Senior Insp. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP ang biktima na si Henry Echavez habang ang suspek ay kinilala namang si James Serano Pactao na residente ng Balite, Magpet.


Batay sa imbestigasyon, magkasamang nag inuman ang biktima at suspek nang magkaalitan sila na nauwi sa pagsaksak ni Pactao kay Echavez.

Isinugod pa sa bahay pagamutan ang biktima pero di na ito umabot ng buhay sa Antipas District Hospital.

Sa ngayon, bagsak sa kulungan ang suspek matapos na masakote ng mga sa Barangay Amabel, Magpet, North Cotabato. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento