NEWS UPDATES

Magsasaka, itinumba!

(North Cotabato/ June 24, 2015) ---Binawian na ng buhay ang isang magsasaka matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa purok 3, Sito 51 brgy. Nuangan, Kidapawan City pasado alas 7:00 kagabi.

Kinilala ang  biktima na si Rudi Diansig, may asawa, 34 anyos at residente rin ng nabanggit na lugar.

Nag-iinuman ang biktima sa loob ng bahay ng kanyang bayaw ng pumunta ito ng kusina at pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang likod at ulo mula sa di pa matukoy na uri ng baril.

Nadala pa sa pagamutan sa Amas Provincial Hospital sa Kidapawan kagabi ang biktima pero binawian din ng buhay alas 4:00 ng madaling araw kanina.


Sa ngayon blanko pa ang Kidapawan City PNP sa pamumuno ni Supt. Franklin Anito kung anu ang motibo sa nasabing insidente. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento