NEWS UPDATES

Kids Summerkadahan Basketball Camp ni Gov Lala patok sa kabataan

(Amas, Kidapawan city/ June 3, 2015) ---Kahit na sa kalagitnaan na ng Mayo, 2015 inilunsad ang 1st Gov Lala Kids Summerkadahan Basketball Camp o KSBC, naging matagumpay naman ito sa abot sa pitong munisipyo at lungsod ng Kidapawan kung saan ito ginawa.

Ayon kay Romeo “Boy” Anito, Provincial Sports Coordinator, nakapagtala ng abot sa 300 na mga batang edad 7-10 years old ang Midsayap kung saan iilungsad ang KSBC partikular sa Midsayap Pilot Elem. School noong Mayo 16-18, 2015.


Sumunod rito ay ang Carmen noong May 19-21; Pigcawayan at Alamada noong May 22-24; Matalam at Tulunan noong May 25-27 at ang Makilala at Kidapawan noong Mayo 28-30, 2015 kung saan sa bawat munisipyo ay mahigit 300 mga batang lalaki at babae ang lumahok.

Tinuruan ng tamang paghawak, dribble at shooting ng bola ang mga bata sa pamamagitan ng scientific basketball training.

Layon ni Gov Lala TaliƱo-Mendoza na malinang ang husay ng mga bata sa basketball at palakasin ang sportsmanship at camaraderie sa murang edad ng mga bata.

Ayon pa sa gobernadora, sa pamamagitan ng sports ay magiging malakas ang pangangatawan ng mga bata at mailalayo pa sila sa mga di kanais-nais na bagay tulad ng iligal na droga at iba pang mga bisyo.

Maliban dito ay maaari pang makatuklas ng mga potential athletes mula sa hanay ng mga batang kalahok at posibleng maging mahusay na basketbolista ng bansa.

Nais naman ng Provincial Sports Coordinating Office na maging bahagi na ng Sports Development Program ng Provincial Government of Cotabato ang Kids Summerkadahan Basketball Camp at maipatupad ito sa iba pang mga bayan sa Lalawigan ng Cotabato. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento