NEWS UPDATES

Holy Month of Ramadan, pormal ng magsisimula ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ June 18, 2015) ---Pormal ng magsisimula ngayong araw ang Holy Month of Ramdan, batay sa ginawang anunsiyo ng Darul Ifta, organization of Islamic Scholars.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Sultan sa Lanang Prof. Salik Makakena matapos ang ginawa nilang moon sighting nitong Martes.

Paliwanag ni Makakena na dahil sa hindi nakita ang buwan, Martes ng gabi kaya ngayong araw na ang opisyal na pagsisimula ng pag-obserba ng banal na buwan.

Nagsimula na rin kagabi ang pagsambayang o ang pananambahan at ‘kanduli’ sa iba’t-ibang mga mosque na tinawag na ‘tarawi’.

Ang panahon ng Ramadan ay dito ibinigay ang banal na kasulatan na Qur-an.

Kabilang naman sa ipinagbabawal sa panahon ng Ramadan ay ang kumain, mag-inom, makikipagtalik sa kanyang asawa lalo na sa hindi niya asawa kung araw, ayon kay Makakena.


Nagbigay naman ng mensahe si Sultan sa Lanang Prof Makakena sa lahat ng umu-obserba ng ‘fasting’ na ito ay pagkakataon na humingi ng kapatawaran. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento