NEWS UPDATES

Division Head, buo ang tiwala na suportado ng Cotabateños ang pagpapatupad ng K+12 program ng Deped

Photo: PGO Media Center
(Amas, Kidapawan City/ June 26, 2015) ---Naging matagumpay ang pagdaraos ng Provincial Senior Highschool Summit na ginanap sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City kahapon.


Ito ang inihayag ni Cotabato Schools Division Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL news.

Ang naturang summit ay dinaluhan nina North Cotabato Governor Emmylou Lala Taliño Mendoza, mga board members sa pangunguna ni BM Dulia Sultan, mga baranggay kagawad, mga PTA presidents at mga school heads mula sa ibat ibang paaralan sa lalawigan ng North Cotabato.

Inihayag ni Obas na nasa 1500 hanggang 1700 ang dumalo at napuno ang ibabang bahagi ng provincial capitol gymnasium.

Buo umano ang suporta ng mga stakeholders at mga school heads sa K-12 summit sa kabila ng maulan na panahon.

Malaking bahagi din umano ng summit ang inilaan sa open forum at nagkaroon ng commitment signing.

Inilahad din sa summit kung sini ang makikinabang sa K to 12 program sa 2-3 taon.

Ipinaliwanag din ni Obas na hindi magkaka vacuum dahil mag o-offer din ng senior highschool ang ibang paaralan. 

Katunayan umano ay aprubado na ang K to 12 program ng Notre Dame of Midsayap College, Southern Christian College, University of Southern Mindanao, Kabacan at iba pa. Christine Limos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento