NEWS UPDATES

Davao Region, magkasunog na niyanig ng lindol

(Kabacan, North Cotabato/ June 2, 2015) ---Walang naiulat na casualties at mga nasira makaraang niyanig ng 4.9 Magnitude na lindol ang bayan ng Upi, Maguindanao alas 9:40 nitong Sabado ng umaga.

Batay sa ulat na nakalap ng DXVL News sa Phivolcs may lalim na 631 na kilometro ang nasabing lindol.


Napag-alaman na tectonic ang pinagmulan nito.

Samantala, inuga din ng 4.2 na magnitude ng lindol ang Jose Abad Santos na nasa Davao Occidental alas 11:47 kagabi.

May lalim namang 56 kilometro ang nasabing paglindol.

Maliban dito, naramdaman naman ang 3.2 magnitude na lindol sa Davao City, na nasa lalawigan ng Davao del Sur alas 2:13 kaninang madaling araw.

Wala namang may naiulat na pinsala ang nasabing mga pagyanig na kapwa tectonic ang nasabing pinagmulan. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento