NEWS UPDATES

Brgy. Pisan nagdiriwang ng ika 63rd Foundation Anniversary

(Kabacan, North Cotabato/ June 10, 2015) ---Ipinagdiriwang ng Barangay Pisan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato ang kanilang ika-63 taong pagkakatatag ngayong araw.

Pinangunahan naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang anniversary program kaninang umaga kasama ang punong barangay na si Kapitan Nestor Ranay.


Isa sa mga highlight ng aktibidad ay ang motocross competition na isinagawa kahapon na mas lalo pang nagpasaya sa mga residente at mga bisita na dumayo sa barangay, kahapon.

Ang aktibidad ay sinuportahan ni Mayor Guzman kasama si Vice Mayor Myra Dulay Bade at ilang mga opisyal ng Sanggunian. Mark Anthony Pispis






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento