NEWS UPDATES

Beautician, timbog sa illegal na droga sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 48-anyos na beautician matapos mahulihan ng illegal na droga sa inilatag na saturation drive ng Matalam PNP sa Bus Terminal sa bayan ng Matalam, North Cotabato alas 10:45 ng umaga kahapon.

Sa report na nakarating kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang suspek na si Eduardo Ybanez, residente ng Taran Subdivision, Kidapawan City.

Narekober mula sa suspek ang anim na piraso ng medium size heat sealed transparent sachet na naglalaman ng shabu.


Ngayong araw posibleng isasampa na ang kasong kakaharapin ng suspek na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Dugs Act of 2002. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento