NEWS UPDATES

48-anyos na Ginang, patay matapos mahagip ng Pick-up sa North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ June 3, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang ginang matapos mahagip ng Pick-up sa Davao-Cotabato highway partikular sa Sitio Flortam, Barangay Batasan, Makilala, North Cotabato, kamakalawa.

Sa ulat ng Makilala PNP kinilala ang biktima na si Gloria Andi, 48-anyos na taga Purok 7, Sitio Flortam, Batasan, Makilala.


Lumalabas sa inisyal na report, na naglalakad ang ginang sa gilid ng highway nang mabiktima ng hit and run sa lugar.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima sa creek sa gilid ng highway na nasa 10 feet ang taas. Ngunit, imbes na huminto at tulungan, pinaharurot ng di kinilalang driver ang sasakyan na natandaan ng mga bystanders na may numerong 763.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng Makilala PNP kung sino ang nakabangga sa biktima upang mapanagot sa batas. Rhoderick BeƱez




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento