NEWS UPDATES

2 sundalo ng 57th IB sugatan sa pananambang sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ June 15, 2015) ---Sugatan ang dalawang miyembro ng 57th Infantry Battalion matapos mabiktima ng pananambang sa Purok 5, Brgy.Noa, Magpet, North Cotabato noong  Biyernes, Hunyo 12 alas 8:30 ng umaga.

Sa panayam ng DXVL news kay PSI Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP kinilala nito ang dalawang sundalo na sina  Cpl. Mura B. Rajabuayan, 39 anyos at Pfc Wilfredo Legsay.


Sa initial na imbestigasyon ng Magpet PNP, galing umano sa Brgy. Basak papuntang Brgy. Poblacion at sakay umano ng Kawasaki bajaj motorsiklo, kulay pula at Honda XRM na kulay itim at puti ang mga biktima nang tambangan at pagbabarilin ng mga pinaniniwalaang miyembro ng CNN Front 53 ng NPA. Nagtamo ng sugat sa mga paa si Cpl. Rajabuayan at tinamaan naman sa likod si Pfc. Legsay.

Tumakas sa di malamang direksyon ang mga suspek matapos tangayin ang mga motorsiklo ng mga biktima.

Samantala, inihayag ni PSI Fornan na naka alerto ang kapulisan at kasundaluhan hinggil sa naturang pangyayari. Christine Limos


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento