NEWS UPDATES

2 magsasaka, kalaboso matapos maaktuhang nagdadala ng illegal na droga

(Kabacan, North Cotabato/ June 8, 2015) ---Naghihimas ngayon ng malamig na rehas na bakala ang dalawang lalaki matapos na maaktuhang nagdadala ng illegal na druga sa isinagawang Oplan Kolurom ang Kabacan PNP at TMU sa Purok Krislam, Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:15 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Rahim Namil, 24 anyos, binata, magsasaka, isang Rodel Husain, 27 anyos, may-asawa, magsasaka at pawang mga residente ng Brgy. Manili sa bayan ng Carmen, North Cotabato.


Nakuha mula sa mga suspek ang mga Drug Paraphernalias kagaya ng improvised tooter, mga disposable lighters, at mga aluminum foils.

Sa ngayon ay nakapiit ang mga suspek sa Kabacan PNP lock-up-cell habang inihahanda naman ang kasong paglabag sa RA 9165. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento