NEWS UPDATES

Usaping pangkapayapaan, suportado ng libo-libong mamamayan ng North Cotabato

OPPAP

Abot sa dalawang libong mamamayang galing sa iba’t ibang munisipalidad ng North Cotabato ang nagsama-sama at nagpakita ng supporta  sa bayan ng Pigcawayan isang araw bago ang ganapin botohan sa kongreso kaugnay sa Bangsamoro Basic Law o BBL.

Ang nasabing aktibidad ay may kinalaman sa pagsuporta sa nagpapatuloy na negosasyon ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front at ang pagpasa sa panukalang batas.


Naging bisita sa naturang pagtitipon si GPH Peace Panel Prof. Miriam Coronel-Ferrer na  tumayong keynote speaker.

Binigyang diin ni Ferrer na sa sandaling maipasa ang BBL ay magkakaroon ng plebisito sa 39 barangays ng North, Cotabato.

Aniya, bibigyan uli ng pagkakataon upang tanungin ang mga tao sa mga barangay na ito at magdesisyon kung sasali ba sila sa itatag na bagong Bangsamoro  batay  na rin sa prinsipyo ng demokrasya.

Sinabi rin niya na may ibang sektor lamang na nagkakalat ng maling impormasyon na ang probinsya at ang mga liderato rito ay hindi sumusuporta at taliwas sa hangarin ng panukalang batas para sa Bangsamoro.

Kinlaro niya na maling propaganda lamang ito. Talagang sumusuporta ang liderato ng North Cotabato sa BBL at sa prosesong pangkayapaan.


Nabatid na nauna nang naging bahagi ng plebisito ang mga barangay mula sa Midsayap, Pikit, Carmen, Aleosan, Kabacan at Pigcawayan para mapabilang sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM noong 2001.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento