NEWS UPDATES

Sundalo, itinumba ng tandem sa Boundary ng North Cotabato at Maguindanao

Rhoderick Beñez

(Carmen, North Cotabato/ May 14, 2015) ---Patay ang isang sundalo makaraang pagbabarilin ng riding tandem assassins sa hangganan ng Brgy. Kibayao, Carmen, North Cotabato at Brgy. Kilangan, Pagalungan, Maguindanao alas 7:30 kaninang umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Julius Malcontento, OIC-hepe ng Carmen PNP kinilala nito ang biktima na si Cpl. Nestor Limbaga ng 37th Infantry Battalion sa ilalim ng 6th Division ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Sakay ang biktima sa kanyang XRM na motorsiklo ng pagbabarilin ng suspek sa ulo.

Agad namang tinangay ng mga salarin ang motorsiklo nito ay tumakas sa di malamang direksiyon.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na carnapping ang motibo sa nasabing krimen.

Blanko pa ngayon ang mga otoridad kung sinu ang suspek at anung grupo ang responsable sa nasabing krimen.







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento