NEWS UPDATES

Rape Suspek, arestado!



By: Rhoderick Beñez

(North Cotabato/ May 13, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang ama-amain matapos arestuhin ng mga otoridad makaraang maaktuhang hinahalay ang kanyang menor de edad na anak-anakan sa bayan ng Pikit, North Cotabato, ayon sa ulat kahapon.

Mismong ang ina ng biktima ang nakakita sa panghahalay na ginagawa ng kanyang live-in partner na suspek na kinilalang si Eduardo Pastella.


Pumasok ang ito sa kanilang bahay paras utusan nito ang anak ngunit laking gulat niya nang makita nito na nakapatong na ang live-in partner nito sa anak.

Kaagad humingi ng tulong ang ina sa mga kapitbahay at sa Pikit Municipal Police Station para ipahuli ang kanyang kinakasamang suspek na 42-anyos.

Batay sa ulat biktima, ilang beses na umano siyang ginagahasa ng suspek pero binantaan na papatayin kung magsusumbong siya sa kanyang ina.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento