NEWS UPDATES

P18K na halaga ng gamit nalimas sa Boarding House

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Pinasok ng mga kawatan ang isa sa mga boarding house sa Plang Village II, Brgy. Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato dakung alas 2:00 ng madaling araw kahapon.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga biktima, na isa sa mga nangungupahan sa Zalica Boarding House na kinilalang si Johair Sinangcol, 20 anyos, estudyante ng Institute of Middle East and Asian Studies ng  University of Southern Mindanao, pinasok umano ng mga di pa matukoy na
bilang ng mga kawatan ang kanilang boarding house  habang mahimbing ang kanilang tulog.

Anya, natangay ng mga kawatan ang kanyang tablet, wallet, at pati ang mga pantalon ng kanyang mga kaboardmate na RRJ at JAG.

Abot umano sa P18K ang kabuuang halaga ng mga natangay ng mga kawatan.

Sa ngayon ay patuloy ng iniimbestigahan ng Kabacan PNP ang nasabing insidente.







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento