NEWS UPDATES

Mahigit 200K mag-aaral ng North Cotabato Division, dagsa ngayong araw sa iba’t-ibang mga paaralan sa lalawigan sa pagbubukas ng klase

Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ June 1, 2015) ---Matapos ang dalawang buwan na bakasyon, sabay-sabay na dadagsa ngayong araw ang may dalawang daang libung mga mag-aaral ng Department of Education o DepEd Cotabato Division sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa lalawigan ng North Cotabato sa pagsisimula ng klase sa school year 2015-2016.

Ayon kay North Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas nasa 281,934 ang bilang ng kanilang mga naitalang enrollees batay sa pinakahuling data nila kahapon.

Aasahan din na madadagdagan ito.


Sa nasabing bilang 210,302 dito ang sa elementarya at Kinder samantala 71,632 naman ang sa High School level.

Tiniyak ng opisyal na, ‘all system go’ na ang lahat ng paaralan sa probinsiya para salubungin at tanggapin ang mga mag-aaral na magbabalik eskwela.

Una ng sinabi ni Obas sa DXVL News na, Enero pa lamang ay nagsimula na sila ng preparasyon sa pagbubukas ng klase ngayong taon makaraang ipatupad ang early registration na ang layunin ay maagang matukoy ang bilang ng mga madaragdag na estudyante na papasok sa mga pampublikong paaralan.

Sa inisyal na report ng DepEd, nasa 200,000 estudyante ang nadagdag sa kanilang listahan ngayong taon, mataas ng 50,000 noong nakalipas na taon, hindi pa kasama ang mga huling nagpalista at mga lumipat sa public mula sa private schools.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento