NEWS UPDATES

Launching ng Regional Brigada Eskwela, isinagawa sa Tulunan, North Cotabato

Christine Limos

(Amas, Kidapawan City/ May 18, 2015) --- Gaganapin ngayong araw ang launching ng Regional Brigada Eskwela sa Minapan Elementary School sa Tulunan habang una na ring isinagawa ang Division launching nito noong Miyerkules sa Katipunan Elementary School sa Arakan, North Cotabato.

Ito ay ayon kay DepEd Schools Division Superintendent Omar Obas sa panayam ng DXVL news.


Dagdag pa ng opisyal na isang linggo ang Brigada Eskwela 2015 na magsisimula ngayong araw Mayo 18 at magtatapos sa Mayo 22.

Inihayag din ni Superintendent Obas na magsisimula ang klase ngayong taon sa Hunyo a uno.


Inimbitahan din ng opisyal ang lahat ng sektor pati na ang LGU at mga magulang na makilahok sa brigade eskwela 2015.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento