NEWS UPDATES

Lasing, tumawid sa Highway nabangga patay

Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 20, 2015) ---Kamatayan ang sumalubog sa isang mister na senglot matapos itong masagasaan ng motorsiklo habang tumatawid na pasuray-suray sa kahabaan ng highway sa Barangay Malasila, bayan ng Makilala, North Cotabato kamakalawa ng gabi. 

Base sa police report, pauwi na ang biktima mula sa pakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan nang bigla itong tumawid kaya nahagip ng motorsiklo ni Wenry Tabuso Jr. 


Naisugod pa sa pagamutan subalit namatay din ang biktimang si Edison Tomas habang kritikal naman ang driver ng motorsiklo na si Tabuso.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento