NEWS UPDATES

Fetus, natagpuan sa ilog ng Magpet

(Magpet, North Cotabato/ May 8, 2015) ---Nailibing na ang fetus na natagpuan sa bahagi ng isang ilog sa Sitio Balite, Brgy. Alibayon, Magpet, North Cotabato kahapon ng hapon.

Ayon kay PSI Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP na wala ng buhay ng kanilang madatnan ang nasabing 3-4 na araw na fetus.


Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Magpet PNP sa tulong ng RHU Magpet na kung sinuman ang nagdadalang tao na nagsagawa ng pre-natal na i-validate sa kanilang tanggapan, para malaman kung sinung ina ang nag-luwal ng nasabing sanggol.

Gayunpaman, binigyan naman ng MSWDO Magpet, RHU at ng Magpet PNP ng desenting libing ang nasabing fetus, wika ni Fornan sa panayam ng DXVL News ngayong umaga.

Giit pa ng opisyal, na sakaling matunton ang ina ng bata ay kanilang kakasuhan ng infanticide. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento