NEWS UPDATES

Empleyado ng LGU Kabacan, isa sa mga nanalo sa ‘Special Draw ng PCSO na Singko Panalo para sa North Cotabato’

(Kabacan, North Cotabato/ June 1, 2015) ---Maswerteng naiuwi ng isang kawani ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang 3rd Prize sa katatapos na draw ng ‘Singko Panalo Para sa North Cotabato’ Special Draw ng PCSO nitong Mayo a-30.

Ayon kay Kabacan Vice Mayor Myra Dulay Bade nakuha din ng isa pang taga-Kabacan din ang 1st Prize na may hawak na number combination na 236974.


Nakuha naman ng taga-Midsayap ang 2nd Prize na may number combination na 169686, 3rd Prize ay may number combination na 157424 taga-Kabacan.

4th Prize nakuha naman ng taga-Kidapawan na may number Combination na 228633 at Pikit, Cotabato 200131.

5th prize naman ang nakuha ng taga-Matalam na may number combination na 163199 at Libungan na may number combination na 232606.

Samantala ang residual prize ay nakuha din ng taga-Kabacan na may hawak ng ticket combination na 229933.

Sa mga taga-Kabacan na hindi pa naka-claim ng kanilang premyo mangyari lamang po na i-contact si Vice Mayor Myra Dulay Bade sa 09991680571. Rhoderick Beñez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento