NEWS UPDATES

Driver na may kasong pagnanakaw, kalaboso sa bayan ng kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos itong arestohin ng Kabacan PNP dahil sa kasong pagnanakaw sa Brgy. Poblacion ng bayan alas 12:30 ng tangahali kahapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero ang suspek na isang Abner Viernes, 29, anyos, isang driver at residente ng Brgy. Pisan ng bayan.


Hinuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisue ng Regional Trial Court Branch 22.

Nabatid na 2014 pa umano ng isampa ang kaso sa suspek dahil sa pagnanakaw nito ng baka.

Sa ngayon ay nakapiit ang suspek sa Kabacan MPS at nakatang harapin ang kasong Qualified Theft.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento