NEWS UPDATES

Cong. Jose Ping Ping Tejada suportado ang BBL ngunit di pabor sa Section 3 ng Article 3 ng BBL

Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ May 22, 2015) ---Suportado ni 3rd district Cong. Jose Ping Ping Tejada ang Bangsamoro Basic Law o BBL ngunit di pabor sa Section 3 ng Article 3. 

Sa panayam ng DXVL news inihayag ng mambabatas na 65-70 porsyento umano ng proposed proposal ng BBL ay pumabor siya ngunit di nito nagustuhan ang probisyon ng Section 3 ng Article 3 on territory sa economic,infrastructure at social needs ng mga mamamayan ng Bangsamoro.

Aniya, sana hindi muna isali at mas i-improve muna ang probisyon para mas mabigyan ng pansin ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Dagdag ng opisyal na nangagamba umano siya na kung ipagpapatuloy ang naturang probisyon ay baka sakaling hindi ito aprobahan at ideklarang unconstitutional at babalik lamang sa umpisa ang proseso ng BBL.


Tiniyak din ng mambabatas na nakakarating ang boses ng mga taga CotabateƱo sa kongreso dahil palagi umano siyang dumadalo sa session at ipinaparating ang opinyon sa lahat ng isyu sa kongreso para sa kapakanan ng mamamayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento