NEWS UPDATES

Brigada Eskwela 2015 ng Cotabato, kasado na ngayong araw

by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 13, 2015) ---Ilulunsad ngayong araw ng Department of Education Cotabato Division ang Brigada Eskwela 2015 sa Katipunan Elementary School sa bayan ng Arakan, North Cotabato.

Ito ayon kay Schools Division Supt. Omar Obas sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Maliban dito, gaganapin naman sa bayan ng Tulunan, particular sa Minapan Elementary School ang paglulunsad ng Regional Level ng Brigada Eskwela 2015 sa araw ng Lunes, Mayo a-18.


Ang Brigada Eskwela ay isinasagawa sa lahat ng mga pampublikong paaralan tuwing buwan ng Mayo o dalawang linggo bago magsimula ang klase.

Ito ay boluntaryong pagsasa-ayos ng mga sirang kasangkapan sa paaralan kasama na ang paglilinis dito, dagdag pa ng opisyal.

Panawagan naman ni Obas sa lahat ng sector ng lipunan lalo sa mga magulang na makiisa sa gagawing Brigada Eskwela 2015 sa lalawigan ng North Cotabato.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento