NEWS UPDATES

AFP, saludo pa rin sa kagalingan ni “Pacman”

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ May 4, 2015) ---Todo pa rin ang binibigay na suporta ng Armed Forces of the Philippines o AFP kay People’s Champ Manny Pacquiao kahit pa man sa pagkatalo nito kay Mayweather sa kanilang katatapos lang na laban.

Ito ayon kay 6th ID DPAO Chief Captain Jo-ann Petinglay sa panayam ng DXVL News.


Anya, hindi naman umano nagkulang ang pambansang kamao at ginawa nito ang lahat ng kanyang makakaya at nagpakita ng kayang galing sa nasabing laban.


Dagdag pa ng opisyal, wala naman umanong nawalang belt kay Pacquiao ay manalo matalo man ito ay suportado parin ito ng mga kasundaluhang umiidolo sa kanya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento