NEWS UPDATES

2 oras kada brown-out sa service area ng Cotelco, kinumpirma ng tagapagsalita ng kooperatiba

by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ May 14, 2015) ---Kinumpirma mismo sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Cotelco Spokesperson Vincent Baguio na dalawang oras o mahigit pa na power interruption ang kanilang ipinapatupad sa bawat load curtailment na kanilang isinasagawa sa kanilang service area.

Ito makaraang magpalabas ng advisory ang STEAG State Power Incorporated, isang coal fired-power plant na naka base sa Ozamiz ng unplanned stoppage order ng operation sa kanilang unit 2.


Dahilan kung bakit off-the-grid ang 105MW.

Bagay namang mas humaba ngayon ang brown-out sa Mindanao kasama na ang Cotelco, giit pa ni Baguio.

Nabatid rin mula sa opisyal na ang nasabing power plant sa Ozamiz ay nangako naman umano na maibabalik ang kanilang linya ngayong araw at inaasahang bukas, ay nasa grid na ang 105MW at posibleng maibsan ang ipinapatupad na power black out ng cotelco, ayon kay Baguio.


Sa kasalukuyan umaabot sa 32 hanggang 34 ang load deman sa buong service area ng cotelco, pero ang pinapa-maintain ng NPC-PSALM at ng NGCP sa kooperatiba ay abot lamang sa 22-24MW.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento