NEWS UPDATES

Tri-Boundary conflict, tinututukan ng DAR

(Tulunan, North Cotabato/ April 15, 2015) ---Nagkaroon na ng pagpupulong ang pamunuan ng LGU Columbio, Sultan Kudarat, at LGU Tulunan, North Cotabato kasama ang Department of Agrarian Reform Region 12 upang masolusyunan ang nangyayaring agawan sa lupa sa boundary ng dalawang bayan.

Ayon kay DXVL Tulunan News Correspondent Joel Dublado, kasalukuyan na ngayong pinaplano ang work-plan upang malaman ang punot dulo ng nasabing agawan sa lupa sa dalawang bayan at magkaroon ng pangmatagalang solusyon sa promlema upang matuldukan na ito.


Anya, nakatakda umanong magkaroon isa pang pagpupulong ang mga LGU’s na gaganapin naman sa bayan ng Tulunan upang mabigyan ng seguridad ng dalawang LGU ang Task Force na binuo ng DAR Region 12 na siyang magsusurvey at magvavalidate ng mga titulo sa nasabing lugar.

Taong 2011 pa umano nagsimula ang nasabing problema hanggang sa taong kasalukuyan na siyang nagiging dahilan ng kaguluhan sa lugar. Mark Anthony Pispis


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento