NEWS UPDATES

Summer Kids Peace Camp sa bayan ng Kabacan, pinaghahandaan na!

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Pinaghahandaan na ngayon ng Kabacan LGU katuwang ang North Cotabato Provincial Government ang gagawing Summer Kids Peace Camp na gaganapin sa Abril a-27 hanggang a-29 ngayong taon.

Ayon kay Kabacan administrative officer Cecilia Facurib sa panayam ng DXVL News, ang nasabing aktibidad ay lalahukan ng nasa humigit kumulang 1,800 na mga incoming grade 6 pupils sa buong bayan na isasagawa naman sa Kabacan Pilot Elementary School.

Aniya, daraan sa mga training at seminar workshops ang mga kalahok kaugnay sa Peace, Childs Right, Religious Activity at marami pang iba mula sa ibat-ibang sangay ng pamahalaan kagaya ng PNP, BFP, MSWDO, RHU at marapang iba.

Ang SKPC ay isang programang nilikha ni Gov. Taliño-Mendoza na naglalayong maging instrumento ng kapayapaan ang mga batang mag-aaral sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng kahalagahan ng pagkakaunawaan, respeto at paggalang sa paniniwala, relihiyon, kultura at tradisyon ng bawat isa.

Sa bayan ng Kabacan ang pagbubukas ng taunang Summer Kids Peace Camp ay pangungunahan naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento