NEWS UPDATES

Punong guro sa Maguindanao, pinabulagta!

(Maguindanao/ April 26, 2015) ---Patay ang isang school principal makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa harap ng kanyang tahanan sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao alas 6:40 kagabi.

Sa impormasyong nakarating kay Maguindanao PNP Provincial Director S/Supt. Nickson Muksan kinilala ang biktima na si Tinto Tilas, principal ng Olandang National High School sa Brgy. Olandang Midsayap, North Cotabato.

Ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo, dibdib at likod.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat nakatayo lamang ang biktima sa harap ng kanyang tahanan sa nabanggit na lugar nang biglang lapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Matapos na maisakatuparan ang masamang balakin ay agad na tumalilis ang mga suspek sa isang liblib na lugar sa Datu Piang.

Wala pang malinaw na motibo sa nasabing insidente ang mga otoridad. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento