NEWS UPDATES

Paggunita ng 73rd araw ng Kagitingan sa Bayan ng Kabacan, pinangunahan ng mga kasapi ng Veterans

by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Pinangunahan ng mga beterano mula sa bayan ng Kabacan ang paggunita ngayong araw ng 73rd araw ng Kagitingan sa Municipal Plaza alas 6:00 kaninang kaninang umaga.

Ang programa ay pinangunahan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., kungsaan nagsagawa ang mga ito ang wreath laying.


Nakasentro ang aktibidad sa temang “Ipunla ang Kagitingan sa Kabataan, Ihanda ang Beterano ng Kinabukasan.

Naging panauhing pandangal naman sa nasabing selebrasyon si Lt. Col. Orlando Edralin ng 602nd Brigade.

Dinaluhan naman ang programa ng mga kasapi ng Kabacan Veterans na pinangunahan ni Post Commander Ret. Col. Bienvenido Flores. 



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento