NEWS UPDATES

North Cotabato Provincial government, suportado ang BBL ---ayon sa isang lokal na mambabatas

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2015) ---Patuloy na sumusuporta sa Bangsamoro Basic Law o BBL ang probinsya ng North Cotabato sa pangunguna ni North Cotabato Governor Lala TaliƱo Mendoza.

Ito ayon kay 1st District Board Member Kelly Antao.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Antao na sumusuporta sa usaping pangkapayapaan ang probinsya at nagkakaisa ang mga lider na hikayatin ang mga kinauukulan lalo na ang mga senador na buksan ang isipan at puso na bigyang pansin ang BBL dahil umabot na umano sa halos labing walong taon ang usaping ito.


Naniniwala din si BM Antao na may sapat na panahon pa ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III upang maipasa ang BBL. Dagdag pa niya na desidido ang pangulo na maipasa ang BBL.

Alam din umano ng lahat na nagkaroon ng malaking development simula ng mag umpisa ang usaping pangkapayapaan.

Inihayag din ni BM Antao na opisyal naipasa na ang mga ordinansa at panukalang batas sa probinsya na isinusulong tulad ng inter agency, land dispute, gender code at ang public safety ay inaasahang maipapasa na rin.

Nagbigay rin ng pahayag si BM Antao tungkol sa pagpapaliban ng pagbitay kay Mary Jane Viloso.

Aniya, isang napakagandang hakbang umano na binigyang pansin ng pamahalaan at patuloy umanong ipagdasal ang ating kababayan.

Nanawagan din si BM Antao na maging mapagmasid sa mga sakuna at tungkol umano sa usaping aswang na kumakalat sa North Cotabato at kung sino man umano ang nagpapakalat ng text messages tungkol dito ay huwag ng dagdagan ang takot ng mga mamamayan ng North Cotabato.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento