NEWS UPDATES

Motocross, itinampok sa 66th Founding Anniversary sa isang Brgy. ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

FB: Mish Cardona
(Kabacan, North Cotabato/ April 30, 2015) ---Nagdiriwang ng ika 66 na taong pagkakatatag ang Brgy. Bangilan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato ngayong araw.

Ayon kay Kabacan Municipal Administrator Ben Guzman sa panayam ng DXVL News, nagsimula ang nasabing programa noong Abril a-25 na magtatapos sa Foundation Day Program ngayong araw.


Anya, inaasahang dadalo sa nasabing aktibidad si North Cotabato Governor Lala TaliƱo Mendoza at Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.

Naging highlight sa nasabing aktibidad ang Operation tuli na inisponsoran ni Councilor George Manuel, Kagawad Reyman Saldivar, Kagawad Rhosman Mamaluba at Vice Mayor Myra Dulay Bade at ang Motorcross Competition na inisponsoran naman ni Mayor Guzman Jr. at Councilor Ayesha Quilban.

Tampok din sa nasabing aktibidad ang Basketball league, Inter Faith Mass, Carabao Marathon at marami pang iba.

Ang Brgy. Bangilan ay nasa ilalim ng pamumuno ni Brgy. Kapitan Narciso Arellano.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento