NEWS UPDATES

Mister, utas sa inuman

(North Cotabato/ April 20, 2015) ---Patay ang isang mister makaraang pagbabarilin ng mismong kainuman nito sa panibagong krimen sa bayan ng Pikit, lalawigan ng North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Albert Wacan Roda, may asawa at residente rin ng nabanggit na bayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Pikit PNP na dakong 1:30 ng madaling araw kanina habang nag-iinuman ang mga ito nang biglang nagkahamunan ang biktima at ang suspek.

At dahil sa kapwa may mga baril ang mga ito ay agad na nagbarilan ang biktima at ang suspek ngunit minalas ang biktima dahil agad itong naunahan.

Naisugod pa sa Crusado Medical Clinic ang biktimang si Roda ngunit agad ding idineklarang dead on arrival ng mga doctor. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento