NEWS UPDATES

Mindanao wide na black-out, hindi pa maipaliwanag ng NGCP

(Kabacan, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang dahilan ng malawakang brownout sa buong isla ng Mindanao kahapon ng madaling araw.

Batay sa text message na ipinadala sa DXVL ni NGCP Corporation Communication & Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance Bambie Capulong na nagsimula ang power interruption ala 1:00 ng madaling araw kasagsagan ng pagsalubong ng linggo ng pagkabuhay.

Sinabi ni Capulong na ang pagbalik ng supply ng kuryente ay nakadepende sa mga distribution utilities nito.

Sa panig ng Cotelco, pasado alas 7:00 na ng umaga bumalik ang supply ng kuryente.

Kabilang sa mga lugar na nawalan ng supply ng koryente ang Cotabato City, Maguindanao, North Cotabato at Lanao del Sur.

Nabatid na maliban sa North Cotabato ay nakaranas rin ng kahalintulad na pagkawala ng supply ng koryente ang mga lungsod ng Davao, Cagayan de Oro, Zamboanga, Gen. Santos, Tacurong, Koronadal, Kidapawan, Digos, Valencia, Malaybalay, at Pagadian City.


Tiniyak naman ng NGCP na kanilang paiimbestigahan ang nangyari malawakang brownout sa Mindanao na hanggang sa ngayon ay hindi pa malinaw ang dahilan ng malawakang brownout sa Mindanao Grid. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento