NEWS UPDATES

Lasing na lalaki, utas sa Road Accident

(Midsayap, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Patay ang isang lalaki matapos masangkot sa isang vehicular accident sa Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Alvin Harom Aborencia, 25, na taga Poblacion dos ng naturang bayan.


Sa pahayag ng Traffic Management Unit Midsayap, lasing ang biktima ng minamaneho nya ang kanyang PC Honda na motorsiklo.

Nabatid na mabilis rin ang pagpapatakbo ng biktima at pagdating nito sa bahagi ng Quezon avenue ng bayan ay nawalan ito ng kontrol at dumeretso sa sinusundang tricycle.

Patuloy pa ngayong iniimbestigahan ng mga ototridad ang insedente. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento