NEWS UPDATES

Isnatser, kalaboso sa bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 29, 2015) ---Huli sa isinagawang hot pursuit operation ang isang lalaki matapos itong magnakaw sa Terminal Complex Brgy. Kayaga sa bayan ng Kabacan dakung ala 1:00 kahapon ng hapon.

Ayon kay PSI Ronnie Cordero na mismong nanguna sa pagaresto, kinilala nito ang suspek na isang Dao Lapadsing, 23 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao.


Ayon sa salaysay ng kanyang nabiktima na kinilalang si Handee Daison, 31 anyos, isang Government Employee, nang huminto ang sinasakyan nitong van galing Kidapawan City ay ninakaw umano ng suspek ang wallet nito na naglalaman ng P12,000 na halaga ng pera.

Agad nagsagawa ng hot pursuit ang Kabacan PNP na nagresulta sa pagkadakip ng suspek.

Sa ngayon ay naghihimas ng malamig na rehas sa Kabacan MPS ang suspek habang nakatakda naman itong sampahan ng kasong pagnanakaw o theft.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento