NEWS UPDATES

Anak itinumba ang lasing at sabog na ama sa Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ April 7, 2015) ---Patuloy na pinaghahanap sa batas ngayon ang isang 26-anyos na lalaki matapos niyang mapatay ang kanyang ama sa Takepan, Pikit, North Cotabato.

Sa ulat ni PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office sa panayam ng DXVL News kinilala ang suspek na si Richard Mancera matapos umanong barilin ang kaniyang ama na umano'y lasing at sabog sa ilegal na droga.

Nangyari ang insidente sa kanilang bahay sa Barangay Takepan.

Ang mga kapitbahay ng mga Mancera ang tumawag sa mga awtoridad matapos marinig ang pagputok ng mga baril.

Isang motorsiklo ang ginamit na panakas ng nakababatang Mancera. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento