NEWS UPDATES

Ama, kinatay ang anak!

(Mlang, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Sinaksak hanggang sa pamatay ng isang ama ang mismong sariling anak nito sa Barangay Inas, Mlang, sa lalawigan ng North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni PSI Jonameel Toniacao ang suspek na si Lito Todelio na ngayon ay nakapiit na sa Mlang PNP lock up cell.


Batay sa report, pinagtulungang saksakin ng suspek at kanyang stepson ang biktimang si Greggy Todelio, 30-anyos na isang magsasaka habang ito ay natutulog.

Walang magawa ang biktima ng pinagtulungan ng ama at stepbrother sa saksak dahil sa pagseselos ng mga ito dahil malapit aniya ang biktima sa kanyang stepmother.


Kauuwi lang galing ng Visayas ang biktima ng maganap ang karumal dumal na krimen. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento