NEWS UPDATES

42-anyos na Mister, tiklo sa pagdadala ng illegal na droga

(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2015) ---Arestado ang isang 42-anyos na mister makaraang mahulihan ng illegal na droga sa bahagi ng Lapu-lapu St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 5:45 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, OIC hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Nabel Maohan Ganatan, residente ng Qurino St., Poblacion ng bayang ito.


Nakuha mula sa posisyon at kustodiya ni Ganatan ang isang piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu.

Sa ngayon ay inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa suspek. Rhoderick BeƱez






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento