NEWS UPDATES

3 patay sa pananambang

(Sultan Kudarat/ April 18, 2015) ---Tatlong kawani ng logging firm ang napatay makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army kahapon ng umaga sa bayan ng Kalamansig sa Sultan Kudarat Province.


Kinilala ang mga biktima na sina Edgardo Valenzuela, 62, area supervisor ng M&S Logging company; Rolando Toledo, 28;  company guard at ang driver na si Nel Anthony Perrezana.
Base sa impormasyon nakalap mula sa hepe ng Kalamansig PNP na si P/Senior Inspector Glenn Mar B. Avisa, ang mga biktima ay sakay ng Toyota Land Cruiser nang tambangan pagsapit sa bahagi ng Barangay Sabanal. Pinasabog din ang dalawang bomba habang isinasagawa ang pananambang ng mga rebelde. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento