NEWS UPDATES

27 kabahayan napinsala matapos tamaan ng Ipo-ipo sa bayan ng Kabacan

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 17, 2015) ---Humihingi ngayon ng dagdag na tulong ang Kabacan Municipal Social Welfare and Development Office sa publiko para sa mga pamilyang nabiktima ng Ipu-ipo sa Brgy. Magatos, Kabacan, noong nakaraang ng linggo.

Ayon kay Kabacan MSWDO Disaster Focal Person Latip Akmad, nasa 27 mga bahay ang napinsala ng Ipu-ipo kung saan 14 sa mga ito ay totally damamaged at 13 naman ang partially damaged.


Gayunpaman, kinumpirma n Akmad na wala namang nasaktan o nasugatan sa insidente.

Sa ngayon, nanatili ang mga biktimang pamilya sa kanilang mga kaanak habang hinihintay ang tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Kabacan.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento