NEWS UPDATES

1 kritikal sa muling pagkasagupa ng dalawang armadong grupo sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ April 8, 2015) ---Sugatan ang isang magsasaka makaraang tamaan ng bala sa muling pagsiklab ng engkwentro sa hanggan ng Tulunan, North Cotabato at Colombio, Sultan Kudarat kamakalawa.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Rolando Dillera, hepe ng Tulunan PNP kinilala nito ang biktima sa panaglang Unyok Tadyaki na tinamaan sa likod na isinugod sa Davao Medical Center.

Sinabi ng opisyal na nangyari ang insidente nitong Sabado dakong alas 9:00 ng umaga sa pagitan ng mga magsasakang taga Sitio Malipayon, Barangay Maybula at ng mga claimants naman na mula sa bayan ng Colombio.

Dagdag pa ni Dillera na nagsimula ang tensyon nang pinaulanan umano ng bala ng mga armado ang mga magsasakang nag aani ng mais sa Tulunan area.

Ang panibagong engkwentro ay naganap sa kabila ng pagtatag sa Task Force Barko-barko na siyang tumututok sa kaayusan sa lugar at pumapagitna sa mga dayalogo sa pagitan ng mga farmer leaders at mga opisyal ng dalawang lokal na pamahalaan.


Bagama’t humupa na ang tensiyon sa lugar, may ilan namang mga pamilya na nagsilikas dahil sa takot na maipit sa nasabing kaguluhan. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento