NEWS UPDATES

Supply ng kuryente na pinoproduce sa Pulangi Power Plant, muling bumaba!

(Kabacan, North Cotabato/ March 11, 2015) ---Inihayag ng National Power Corporation na muling bumaba ang Supply ng kuryente na pino-produce ngayon ng Pulangi Power Plant.

Ito ayon kay Cotelco Spokesperson Vincent Baguio sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Aniya, nasa 95Megawatts lamang ang nadedeliver ng Power Plant sa grid sa kasalukuyan kungsaan mababa ito buhat sa rated capacity ng planta na 255 megawatts habang ang dependable capacity nito ay 253megawatts, giit pa ni Baguio.

Dahil ditto, patuloy na ipinapatupad ngayon ng Cotelco ang load curtailment sa service area nila.

Aniya, isang planta pa lamang ng STEAG na 105MW ang nakabalik sa Grid at ang isa pang planta ay inaasahang babalik pa sa March 16. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento