NEWS UPDATES

Sundalong nahulihan ng illegal na droga sa Midsayap, North Cotabato; kinasuhan na!

(Midsayap, North Cotabato/ March 27, 2015) ---Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Midsayap PNP at CIDG-Cental Mindanao ang isang miembro ng Armed Forces Of the Philippine na nakabase sa Sulu, sa isinagawang drug buy bust operation sa Midsayap, North Cotabato pasado alas sais ng gabi kahapon.

Ayon sa report pumunta lamang sa bayan ng Midsayap ang suspek na si Cpl. Mirol Makbirol, 46 anyos na taga Talipao, Sulu at miembro ng 38th IB kasama ang kanyang na si Janice  Mauricio, 44, na taga Northern Kabuntalan, Maguindanao sa nasabing bayan.


Ayon kay Midsayap PNP Commnder. Sr. Ins. Reynate Delos Santos nakuha mula sa mga suspek ang walong sachet ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nasa mahigit 40 gramo.

Pinaniniwalaang nanggaling sa Cotabato City ang nasabing mga droga na posibleng ibebenta sa North Cotabato.


Nakakulong na ngayon ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento