NEWS UPDATES

Land Conflict isa sa mga sinusundang motibo sa pagbaril patay sa miyembro ng MILF sa Matalam, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ March 14, 2015) ---Patay ang isang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF sa nangyaring pamamaril sa Sitio Malinan, Brgy. West Patadon, Matalam, Cotabato ala 1:30 nitong Biyernes.

 Ayon kay SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang biktima na si Samod Baraguil, 48-anyos, may asawa, magsasaka at miyembro ng MILF sa ilalim ni Hadji Mansur Imbong ng 5th Brigade, 108 Based command at residente ng nasabing lugar.

 Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng kapulisan, na habang nag-aani ng tubo (sugarcane) ang biktima sa nasabing lugar ay bigla na lamang itong pinaputukan ng mga di pa matukoy na bilang ng mga armadong grupo na pinaniniwalaang buhat sa pangkat rin ng MILF sa ilalim ni Kumander Pangkoy Sali.

 Napag-alaman na ang biktima ay nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.


Malaki ang paniniwala ng kapulisan na ang pinag-aagawang lupa ang isa sa mga motibong sinusundang anggulo sa pagpatay sa biktima. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento