NEWS UPDATES

Kabacan BFP, muling nagpaalala sa publiko hinggil sa sunog; grassfire naitala din sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ March 20, 2015) ---Muling nagpaalala ang Kabacan Bureau of fire Protection sa Publiko na maging maingat laban sa sunog.

Ginawa ni FSI Ibrahim Guiamalon ang pahayag matapos ang nangyaring sunog sa tatlong mga kabahayan sa Purok 5, Brgy. Katidtuan, Kabacan kamakalawa ng hapon.

Aniya, posibleng illegal connection ang dahilan kung bakit nasunog ang tatlong kabahayan sa nasabing lugar.


Maliban ditto, problema din ng BFP Kabacan ang pagresponde sa erya dahil sa mga nakaabalang mga motorista.

Sinabi ni Guiamalon na kahit naka busina na sila at naka sirina na ang mga ito ay ayaw pa ring magbigay daan ang mga motorista sa daanan ng firetruck dahilan kung bakit mabagal ang pagresponde ng mga ito.

Bukod sa nasabing sunog may naitala ring grassfire sa bahagi ng Kayaga at sa bayan ng Carmen ang Kabacan Bureau of fire. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento