NEWS UPDATES

Dispatcher ng Bus, sugatan sa pamamaril

(North Cotabato/ March 9, 2015) ---Patuloy ngayong nagpapagaling sa isang bahay pagamutan sa Kidapawan city ang isang dispatcher ng Mindanao Star Bus na dating Weena Bus line company, makaraang pagbabarilin sa National Highway ng Fort Pikit, Pikit, Cotabato alas 6:35 kagabi.

Kinilala ni PInsp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Cesar Lu, 58-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Mabilis namang isinugod sa Cruzado Medical Hospital ang biktima pero sa panayam ngayong umaga kay Karim sinabi nitong inilipat na si Lu sa isang pagamutan sa Kudapawan City.


Hindi pa mabatid ngayon kung anu ang motibo at sinu ang suspek sa nasabing pamamaril. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento