NEWS UPDATES

DepEd North Cotabato, nananawagang gawing simple ang graduation

(Amas, Kidapawan City/ March 11, 2015) ---Itinakda na ng Department of Education (DepEd) sa Marso 26 at 27 ang graduation ceremonies para sa mga pampublikong paaralan hindi lamang sa lalawigan ng North Cotabato kundi maging sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas sa panayam ng DXVL News.

Sentro ng ng aktibidad ang tema ng graduation ngayong taon ay “Saktong Buhay: Sa De-kalidad na Edukasyon Pinanday”.

Highlights sa mga gaganaping graduation ang kahalagahan ng de-kalidad na edukasyon para sa mas magandang kinabukasan ng mga kabataang mag-aaral.

Pinaalalahanan din ni Obas ang mga paaralan na panatilihing simple ngunit makahulugan ang idaraos na graduation rites.


Una na ring sinabi ng opisyal na anumang kontribusyon sa eskwelahan ay kanya na itong pinauubaya sa Parent-Teacher Associations (PTAs) ngunit anumang bayarin ay dapat voluntary basis pa rin. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento