NEWS UPDATES

Congressman Pingping Tejada inilahad ang iba’t ibang programa para sa mga mamamayan ng North Cotabato

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2015) ---Inilahad ni Congressman Pingping Tejada, representative ng ikatlong distrito ng North Cotabato ang mga programa at proyekto para sa mga mamamayan ng North Cotabato.

Sa exclusibong panayam ng DXVL news sinabi ng mambabatas na may mga panukala   itong naipasa sa kongreso  tulad ng programa sa mga senior citizen, iskolar ng bayan at iba pang programa na pinoproseso sa kongreso para sa mga taga North Cotabato.


Dagdag pa ng mambabatas na para sa mga estudyante na gustong mag avail ng scholarship na binibigay ng Commission on Higher Education o CHED pangunahing requirement na maipasa nila ang entrance exam sa mga state universities at colleges.

Samantala, inihayag din ni Congressman Pingping Tejada na ang matagal na karanasan niya bilang board member ay naka tulong upang mas madali ang pagtrabaho ng batas sa kongreso at maging epektibong mambabatas.


Siniguro din niya sa mga mamamayan na siya ay nagtatarabaho para sa kabutihan ng mga mamamayan ng North Cotabato. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento