NEWS UPDATES

CAFGU, ospital ang bagsak makaraang pagbabarilin sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North cotabato/ March 26, 2015) ---Nagpapagaling pa ngayon sa pagamutan ang isang miembro ng CAFGU matapos pagbabarilin ng di pa kilalang suspek sa Brgy. Tapudok, Aleosan, North Cotabato pasado alas sais kagabi.

Kinilala ni Aleosan PNP Commander Sr. Ins. Arnel Melocotones ang biktima na si Marcelino Mancera, 60- anyos na isa ring magsasaka sa lugar.

Ayon sa report dumaan lamang sa isang tindahan si Mancera habang papauwi ito ng kanilang bahay galing sa kanyang sakahan ay agad na pinagbabaril ng suspek.

Mabilis namang naisugod sa pagamutan ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang tiyan na tumagos sa kanyang likuran.

Iniimbestigahan pa ngayon ng mga otoridad ang motibo sa nasabing pamamaril. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento